365, Poetry, Writings

Saan nga ba tayo patutungo?

Saan nga ba tayo patutungo
Mula pag gising sa umaga,
hanggang sumapit ang takip silim,
Tila baga ang buhay ay isang lamang mahabang paglalakbay
Lakad dito, lakad doon
Sakay dito, sakay doon
Paulit ulit na gawi sa inaraw araw na ginawa ng Diyos,
Hindi ka ba napapagod?
Kasi ako napapagod na.

Isang mukha, ikaw, ako, sa milyong milyong tao na narito sa mundo,
Tila ba isang lamang tayong patak ng tubig sa gitna ng karagatan,
Or isang buhangin sa kalawakan ng kalupaan
Isang mukha,
Mukha na maaring nakasalubong mo na ngunit hindi matandaan,
Isang mukha na madaling makalimutan,
O kaya naman, sinadyang kalimutan.

Saan nga ba tayo patutungo?
Ang buhay ba natin ay masusukat sa distansya ng ating nalakbay?
Or sa bawat taon na tinatakbo ng ating buhay?

Ikaw? Saan ka patutungo?
Hindi ka ba napapagod?
Kasi ako, napapagod na.

Pinterest | Tumblr | Instagram | Youtube

*my first tagalog and spoken word poetry! check out the vlog i made.

I’ll try to do english next time. 😊

Share your thoughts here